Umiiyak yung 5 years old ko na kapatid dahil namimiss na daw niya mommy namin. Tulog na siya ngayon habang hawak hawak yung necklace ni mom.

Hay okay nakita ko ‘to. Namiss ko bigla nanay ko.
In that case, ganito pala kita tatratuhin.
- Pagkekwentuhan natin kung ano ang mga nangyari sa araw ko pagkauwi ko sa bahay.
- Sabay tayo palagi kakain tapos magagalit ka pag di tayo sabay.
- Ikaw ang papapiliin ko ng susuotin kong damit pag may lakad ako.
- Pagtatawanan natin yung mga taong akala nila cool sila.
- Bigla bigla nalang kitang yayakapin.
- Aasarin kita pag wrong grammar ka. Hahahaha.
- At higit sa lahat, mamahalin kita forever.
Pero Nike dapat. Hahaha! Miss you mum!!!!!!!!!!!!!!!!
Awww… Namiss ko bigla nanay ko. :(
1 year death anniversary ng mom ko today. Kaya kahit hanggang 7pm ang class ko ngayon ay nag-cut ako para maka-attend ng mass dun sa bahay. Daming tao, dami talagang nagmamahal sa nanay ko. Nung nagsesermon na yung pari pinipigilan ko na yung luha ko, pano ba naman kasi parang naiiyak yung boses nung pari tapos yung mga sinasabi pa niya tulad ng “Di na natin kailangang maging malungkot o umiyak dahil nasa langit na siya kapiling ang ating Diyos.”, tapos sinasabi pa na kung pano siya naging mabuting ina at asawa mga ganon. Umiiyak na yung puso ko pero yung mukha ko poker face lang. Ayun. Hahaha. Dami ding pagkain, busog ako. Hay pero namimiss ko na talaga nanay ko. Kaya kayo na may mga nanay pa, araw araw niyong yakapin bago matulog, araw araw niyong sabihin na mahal niyo sila dahil di tayo sure baka bukas makalawa kunin na siya satin. Hirap ng walang nanay, palaging pancit canton lang almusal ko… Joke. Hahaha! Wala mahirap nga talaga. Malungkot pa. Kawawa nga yung bunso kong kapatid eh, limang taon lang siya at saglit niya lang nakasama nanay namin. Pero alam ko na may plan ang lahat ng ito, at alam ko na magiging safe kaming lahat dahil nasa heaven na siya at mas nababantayan na niya kami ngayon. I love you ma! Forevs! Miss you sobra na, miss ko nang makipagkulitan sayo. Yung tipong pag lumalabas tayo ng bahay pareho nating nilalait yung mga nakakasalubong natin. Hahahaha! Good times. Tapos andyan ka palagi para ipaalala ang mga nakalimutan ko na gamit pag aalis ako, lagi pa kitang tinatanong nun kung may nakalimutan ako sasabihin ko “ano pa ba dadalhin ko?”, sasabihin mo “may extra brief ka na?”, ako naman “oo nga pala”. Hahahaha! Tapos syempre pano ko ba naman makakalimutan yung palagi mo akong pinagtatanggol pag may nangyayari samin na masama. Hay. Nakakamiss. Sobra. Napanaginipan ko nga pala yung mama ko nung isang araw. Wala lang, parang nasa mall lang kami tapos nakahawak ako sa braso niya at nakangiti kaming buong pamilya. Sana di nalang ako nagising. I miss you na ma! Oo uulit ulitin ko dahil di niyo lang alam talaga kung gano ko siya kamiss. Sinasabi nung iba na, “isang taon na palang wala ang mama mo ang bilis ng panahon”, sabi ko naman “mabilis para sa inyo pero ang bagal para sa amin dahil araw-araw naming naaalala na wala na siya”. Hay. I love you mama!!!!!!!!

Ang cute talaga ng 5-year old sister ko ever since! Nung nag-facebook ako, nakita ko sa News Feed to. Nagcomment siya dun sa profile picture ng mama ko. Ewan ko pero parang naiyak ng konti yung puso ko sa nakita ko, kahit wala na si mama di padin niya nalilimutan yung mga ginagawa sa kanya. Ayan na maiiyak na naman ako. Hahahahaha! Tama na nga, basta ang cute ni Chang, sya talaga ang pinaka-kamukha ni Mama, pareho pa silang may nunal sa chin.
Eto yung birthday niya last year. 45. :)
Bukod sa di mo kaya sa kamay mo ang 46 ay di na niya talaga magagawa yun dahil wala na siya. Namimis kita ng sobra. Sana mapanaginipan kita. Sanaaaaaaaaa. Itutulog ko na to.
Happy 46th Birthday Mama!!
Paki hi-5 nalang si God para sakin, dahil grades at good health naming lahat! Kaw na po bahala sakin bukas sa enrollment, sana po makuha ko lahat ng sections at prof na gusto ko, please ma wag mo sakin ibigay yung mga terror, alam ko lahat sla terror pero wag yung mga sobrang terror, yung mga medium lang. Haha. Namimiss ka naming lahat dito! At naiiyak na naman ako. Hahaha! Hug mo ko mamaya pag nilalamig ako ha, miss ko na yun eh. Lagi kitang napapanaginipan, kaya parang okay na din sakin, kahit di ka nagsasalita sa mga panaginip ko, yung tipong nakatayo ka lang, nakangiti, nakatingin saming lahat! :) Naiiyak na talaga ako, pinipigilan ko lang dahil andito kapatid ko, naka-smile pa din ako habang tinatype ko to dahil alam ko na ayaw mo kaming nalulungkot na wala ka na. Minsan nakakamiss din ang mga sermon, ang mga pangaral ng ina, tama kasing lahat yun. Hay, namimis na talaga kita, alam mo naman kasi kaming mga lalaki talaga, close sa mga nanay, at masasabi ko na close talaga tayo, tawanan sa mga jokes na korni, sabay kumakain, sabay manuod ng mga paborito nating palabas. Haha. Nga pala ma, may bagong season yung paborito mong palabas, yung survivor, for sure alam mo na kung sino panalo, wag mo sabihin sakin. Hahahaha! Mahal na mahal talaga kita Ma at sobrang miss na kita, Oo paulit ulit kasi ang hirap talaga mawalan ng ina, ang hirap, ayoko na, sige na bye na ma, sana mabasa mo to, may internet ba dyan? hahaha. Love you!

Eto nga pala yung last picture namin together na maayos kaming dalawa, cropped pa nga yan eh. Haha. December ata to.
Nga pala, ang tunay na rason kaya ako nagpakalbo kasi, October yung mom ko pinanganak, at october din yung Breast Cancer awareness month so ayun. :)
Mac Miller - I’ll Be There
See I was 6 years old with a dream, when my mums told me I can do anything
Said she’d be there forever, no matter what’s the weather
She’d always have my back even when we weren’t together

